Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 10 solon pa kakasuhan sa PDAF scam

10 solon pa kakasuhan sa PDAF scam

NAKATAKDANG isampa ngayong araw ang second set ng mga kaso laban sa mga mambabatas at iba pang sangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, mahigit 10 mambabatas ang kasama sa kanilang ipaghaharap ng reklamo sa Office of the Ombudsman.

Binanggit ni Baligod ang ilan sa mga kakasuhan na kinabibilangan nina Reps. Arthur Pingoy ng South Cotabato, Maite Defensor ng Quezon City, Douglas Cagas ng Davao del Sur, at Isidoro Real ng Zamboanga del Sur.

Ngunit taliwas sa unang set na plunder ang naging reklamo, posibleng malversation of public funds lamang ang maging kaso ng mga nabanggit dahil hindi umabot sa P50 million ang sangkot na pondong nagamit nang labag sa batas.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top