Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Misis na senior citizen binalian ni mister

Misis na senior citizen binalian ni mister

Nakabenda pa ang kaliwang braso nang magtungo sa tanggapan ng Manila Police District Women and Children’s Desk ang isang misis na senior citizen upang ireklamo ang pananakit ng kanyang asawa na isa rin senior citizen.

Kinilala ang biktimang  si Olive Chan, 61, habang ang inirereklamong suspek ay ang asawang si Ricardo Chan, 60, kapwa ng San Andres St., Malate, Maynila.

Sa salaysay ng ginang, dakong 1:00 ng hapon, Linggo, nagtalo sila ng kanyang mister dahil sa pambababae.

Sa tuwing maalala ni misis ang panloloko sa kanya ni mister ay lagi silang nag-aaway at madalas siya ang nasasaktan.

Pinakamalala umano ang kanilang pagtatalo nitong Linggo ng hapon hanggang balian siya ng braso ng mister na si Ricardo.

Nagagalit ang ginang dahil sa  nilulustay uma-no ng kanyang mister sa kanyang kabit na menor de edad, ang kanilang kita  sa pagbebenta ng baboy sa mga palengke sa Maynila. Sinampahan ng kasong serious physical injuries at paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children’s Act ang chickboy na mister.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top