Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mindanao, malapit sa puso ni Ka Freddie

Mindanao, malapit sa puso ni Ka Freddie

HINDI talaga makapapayag magpaunang makasal sina Vic Sotto at Pauleen Luna kay Ka Freddie Aguilar at bagets na gf si Jovie Gatdula.

Ayaw niyang maunahan sa titulong May-December affair. Nagpakasal sila noong Nov.  22 sa Maguindanao, Cotabato. Wow, ang layo, tiyak walang makakapag-gaka sa naturang wedding.

Naalala tuloy naming ‘yung movie na Thy Womb na ikinasal si Lovi Poe kay Bembol Roco, kesehodang malayo ang agwat ng edad. Tradition ito roon na puwedeng magsama at magpakasal, gurang at bagets.

Nagpa-convert sa Muslim si Kaka Freddie para makaisang-dibdib si Jovie. Wala namang problema, dahil noon pa man, malapit na sa puso ni Kaka ang lupang Mindanao na malimit ito ang tema ng kanyang mga kinakanta.

Vir Gonzales

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top