Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Donasyong pera, ipagpagawa ng bahay para sa Yolanda victims

Donasyong pera, ipagpagawa ng bahay para sa Yolanda victims

BASTA cry ako sa mga kapatid na biktima ni Yolanda. Pero happy ako sa rami ng donors. Talagang tayong mga Pinoy, loving tayo sa mga kababayan natin pagdating ng kalamidad. At saludo ako sa mga foreign donor, ang bilis, at saka ang laki ng mga cash donation.

Suhestiyon lang, baka puwedeng sa laki ng perang donasyon, pwede nang magpagawa ng maraming bahay sa lahat ng dako ng Kabisayaan para sa mga kababayan natin na nawalan ng tirahan. Parang village ang gawin at siyempre, pare-pareho ang mga bahay na titirhan nila. Para naman maging maganda ang kanilang pagsisimula at makalimutan ang nangyaring trahedya na dulot ni Yolanda. Tutal may malaking amount na galing sa iba’t ibang donors. Total may mga relief na pagkain, damit, etc. ‘Di ‘yung pera ay para sa pabahay nila.

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top