Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / After Megan Young & Ariella Arida! Ali Forbes, 3rd Runner-Up Miss Grand International sa Bangkok, Thailand

After Megan Young & Ariella Arida! Ali Forbes, 3rd Runner-Up Miss Grand International sa Bangkok, Thailand

Na-meet na namin once ang alaga ni Claire dela Fuente na si Annalie Forbes o mas kilala sa showbiz bilang si Ali Forbes. Pang-beauty queen talaga ang dating ni Ali dahil sa taglay niyang ganda at appeal. Alam namin na darating ang time ay magiging title holder rin ang nasabing alaga ni Ms. Claire. Nangyari na nga ang aming inaasam at ng nakararami. Sa first Miss Grand International 2013 Coronation Night na ginanap sa Bangkok, Thailand last November 19 hindi man naiuwi ni Ali ang korona ay itinanghal siyang 3rd Runner-Up. Ang kandidatang mula sa Puerto, Rico na si Janelee Chaparro ang siyang nakasungkit ng titulo bilang  kauna- unahang Miss Grand International. Pero, ang higit na napansin ng judges du- ring pageant ay  si Ali na ‘di lang hinangaan sa gown and swimsuit competetion kundi sa galing sumagot sa Question and Answer. Narito ang tanong na ibinato ng isa sa hurado sa nasabing beauty queen. “How to prevent war and global conflicts.” Heto naman ang naging sagot ni Ali, “I will use my position to promote the advocacy of Miss Grand International using various instruments such as social media, the gadget itself, and if necessary, our personal presence to spread the wonderful message of peace and I would like to thank all the donators of our country from the last typhoon Yolanda.” Dahil diyan siya ang 3rd runner-up sa nasabing International Beauty Pageant na sinalihan ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa. Ang edge pala ni Ali sa ibang beauty queen ay isa siyang professional singer. Yes, ilang concerts na ang kanyang nagawa at lahat pawang successful. Well, open ito sakaling mabigyan siya ng oportunidad na maging artista.

Congratulations gyud!

Michael Pangilinan’s 18MPH Birthday Concert Mapapanood Bukas Sa Zirkoh, Morato

Twice na namin napanood si Michael Pangilinan sa kanyang concert. Hindi lang naman kami ang makapagsasabi na world class ang dating ni Michael bilang performer. Honestly bukod sa title niyang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala ay puwede rin ibigay sa alaga ni Mama Jobert Sucaldito ang titulong “Young Total Performer” dahil talaga namang hanep siyang mag-perform at malakas talaga ang hatak sa crowd. Dahil talaga namang pleasant panoorin sa entablado si Michael dahil gwapo nga aba’y hindi lang mga babae at bading ang nagkakagulo sa kanya kundi mga tomboy rin. ‘Yung gagawin niyang special concert bukas sa Zirkoh Tomas, Morato titled Michael Pangilinan 18MPH na part ng kanyang 18th birthday celebration ay selling like hotcake ang benta ng ti-ckets. Special guest ng Young Heartthrob sa nasabing show sina Luke Mejares, Duncan Ramos at Jimmy Bondoc. Susuportahan din si Michael ng kanyang kuya Carlo Aquino, Prima Diva Billy, Willy Jones, comic tandem AJ Tamisa, ang Chazz, PGT Finalists na The Miss Tres at nanay-nanayan ng singer na si Gladys Guevarra. The said concert is presented by Laguna Gov. ER Ejercito, Mang Inasal and Isabela Gov. Bojie Dy. Major sponsors naman ang Quadro Frames, Aficionado, Joel Cruz Signatures, tita Emmie Valdez, tita Ining Cruz, Kerei Beauty, Medical Group etc. Pinasasalamatan rin ni mama Jobert ang all out support ng entertainment press sa ipinagmamalaking alaga na si Michael Pangilinan. ‘Yung album pala ni Michael from Star Records ay malapit nang mag-gold.

Dabarkads Nag-Carolling Para Sa Mga Nasalanta  Ni Bagyong Yolanda

Halos araw-araw ang padala ng relief goods ng Eat Bulaga para sa Dabarkads natin sa Kabisayaan na matinding sinalanta ng super typhoon Yolanda. Daily rin kasi ang dating ng mga donasyon sa studio ng Eat Bulaga sa Broadway Centrum kaya lahat ng mga tinatanggap nila ay mabilis na ipinapadala sa matagal nang sumusuporta sa serbisyo publiko nilang Air Courier company. Todo-todo rin ang ginagawang effort ng inyong favorite EB Dabarkads para makapag-share ng blessings sa mga kaawa-awa nating kababayan na nilugmok ni Yolanda. Last Saturday nagpakitang gilas sa “Dabarkads Christmas Caroling” ang magkaka-grupong sina Pia, Bel, Allan K kasama si Big Mouth Bitoy, Ryan, Anjo with Caroly Carollers, Julia, Ruby, Keempee at naka-join nila ang Paskuhan Kantadada gayon din sina Jose, Paolo, Bal at ang Brgy. Christmas Songers. Ang huling group ang nanalo. Pinakontes ito sa mga texter at lahat ng malilikom ng Bulaga sa inyong mga text ay ipapadala sa iba pang lugar na binagyo.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top