Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mga bagman naglipana pa rin sa MPD HQ!? (Attn: MPD DIID P/Supt. Amor Tuliao at MPD DG Isagani Genabe)

Mga bagman naglipana pa rin sa MPD HQ!? (Attn: MPD DIID P/Supt. Amor Tuliao at MPD DG Isagani Genabe)

00 Bulabugin JSY

USAP-USAPAN ng mga pulis sa MPD HQ na may mga tingga ‘este’ dating tauhan ng Manila Police District (MPD) – SOU o Special ‘Orbit’ Unit na patuloy pa rin sa pangongolekta ng TARA y TANGGA mula sa mga ILEGALISTA gaya ng mga gambling lord, clubs at sa mga pobreng vendors sa lungsod ng Maynila.

Ang lider daw ng grupo ay isang alyas Major CAWATAN at ang kanyang dalawang itlog na sina alyas RO-AHAS at DAKWAL.

Alagang-alaga nga raw nila ang dalawang sikat na gambling lord sa Maynila na sina BOY ABANG at EDNA ROSARYO/ENTENG.

Alam mo ba MPD DG Gani Genabe, na ipinamamalita pa ng tropang orbit na ito na mga ‘bata-batuta’ mo raw sila!?

Anyway, maniniwala lang ako na wala kang kinalaman sa pangongotong nila Gen. Genabe kung KAKALUSIN mo ang tatlong bugok na ‘yan sa iyong teritoryo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top