Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy, madalas regaluhan ni Jake ng signature bags and shoes

Jessy, madalas regaluhan ni Jake ng signature bags and shoes

NAGPAKA-TOTOO si Jessy Mendiola nang aminin nito na nalagpasan na raw niya ang pagiging rebelled noong araw na hindi pa siya artista. Trabaho ang kanyang priority ngayon sa buhay. Kasama siya sa cast ng pelikulang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang mula sa Star Cinema at Skylight Films.

Malaki ang respeto ng dalaga sa mahusay na comedienne. Sabi niya, ”I am really blessed and honored na si Mamang Pokwang ang nakatrabaho ko. Mahal ko kasi si Mamang bilang isang actress, iniidolo ko siya bilang komedyana. Pero sa totoong buhay, si Mamang napakamaalaga niya. Napakabait, very responsible bilang isang ina. Makatrabaho mo ang isang tulad ni Mamang, marami kang matututuhan. Marami kang malalaman tungkol sa kanya na dadalhin mo ‘yun kahit hindi na kayo magkatrabaho.”

Kahit halos walang pahinga si Jessy sa taping at shooting, wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. Bagkus, happy siya sa takbo ng kanyang career. Sulit naman daw ang pagod niya dahil hataw sa taas ng rating ang teleserye niyang Maria Mercedes.

Kuwento ni Jessy, ”Halos wala na nga akong time para sa sarili ko dahil sa sobrang busy. Happy ako, maganda ang response ng mga tao. Ang daming nagtu-tweet sa akin, nagta-tag sa Instagram ng video. Kapag naglalakad nga ako sa mall, kinakanta nila ang theme song ng ‘Maria Mercedes’. Ginagawa nila ‘yung red lipstick, red dress pati ‘yung tomboy look ko, ginagaya nila.”

Inamin ni Jessy na madalas siyang regaluhan ni Jake Cuenca kahit walang okasyon. Kailan lang, binigyan ng actor ang young actress ng signature bag and shoes na binili pa sa US.

“Ganoon talaga siya maging sa iba niyang leading lady like Shaina Magdayao at Bangs Garcia. Minsan nga pagbukas ko ng van, may mga flower sa loob. He’s really thoughtful and really sweet. I don’t see it, pangliligaw.Sangayon, we’re in stage namagkatrabaho kami and were taking time. Matagal-tagal pa angpagsasamanamin.Halos lahatngtaoiniisipnilanasi Jake ay maangas, mayabang, pa-sexy. But in really life, his really sweet and  such a gentleman,” papuring sabi ni Maria Mercedes.

Jake at Sam, walang lamangan

Kahit seryoso ang ginagawang pangliligaw nina Jake at Sam, hindi raw ito nararamdaman ni Jessy. ”Kahit sa pagtulog ko, hindi ko nadarama. Alam naman ng lahat ng tao na I’m not ready yet for a relationship. Pero, what ever come, what ever happen, mangyayari ‘yun. Sa ngayon ang alam ko, magkatrabaho kami ni Jake. Magkaibigan kami ni Jake. Sobrang thankful ako dahil napakabait niya.”

Ukol naman sa usaping promo lang daw ang panliligaw ni Jake sa kanya, ”Hindi po kasi kung promo ipu-push namin na nanliligaw siya. Hindi talaga, it’s really happening, nagbibigay siya ng gifts. He’s thoughtful talaga. Noong nasa States si Jake, he texted me, he sent pictures kung anong boots ang gusto ko. Sinabi ko ‘yung red, ibinili niya ako ng black kasi walang red. Nakatutuwa, nag-effort siya. I don’t want people to think na promo lang ‘yun. Totoo naman, minsan nga isinuot ko pa sa taping,” paliwanag pa ng dalaga.

Dahil madalas silang magkasama ni Jake at madalas itong magregalo, hindi naman nangangahulugan na lamang ang kanyang leading man kay Sam. ”Walang lamangan, pareho lang sila. Sa taping, unit 1 si Jake, unit 2 ako kaya hindi na rin kami nagsasama ngayon sa set. Lagi naman siyang nagpaparamdam thru text kung okay ako. Si Sam naman, he’s always communicating with me. Palagi kaming nag-uusap kahit nasa States siya. Nagla-line siya sa akin, totoo, ‘yun. Nang galling siya sa States may pasalubong siya. It’s not a big deal, may kanya-kanya silang paraan, may kanya-kanya kaming oras.Bahala na lang si Lord kung sino ang ibibigay niya sa akin. Sa ngayon, wala talaga akong nararamdaman, nariyan lang sila, steady lang kayo riyan. Masaya ako dahil single, marami akong project.”

Ang ex-BF na si JM

NAPAG-USAPAN din namin ang ex-boyfriend niyang si JM de Guzman na nabalitang na-rehab. Ayon sa kanya, nakalabas na raw ito at okay naman na ang actor. ”I’m really happy for him, hindi lang ako. Maraming tao ang naghihintay na makabalik siya sa industriyang ito. Napakagaling na actor ni JM at wala akong masasabing masama tungkol sa kanya. Last September, a good friend of mine sent a message to me asking for a birthday message to him. Yeah, I sent a birthday message to him and that’s it,”turan pa niya.

Nalulungkot si Jessy sa nangyari kay JM at wish niya, ”Sana okey na siya at makabalik uli. Honestly, gusto ko rin siyang makita at makausap. Open naman ako maging magkaibigan kami. Gusto kong makita ng mgatao who he really is because he is a very good man and a good actor. I don’t want to say bad things about him. Wala naman talaga akong masasabing masama tungkol sa kanya.”

At if ever na magkita  sila ni JM,  isa lang ang masasabi niya, ”Welcome Back.”

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top