Friday , April 19 2024

Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon HD, mapapanood na sa mga sinehan

NAKATUTUWANG muling mapapanood  sa big screen ang obra ni Eddie Romero, angGanito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? Na mas maganda at mas malinaw na kopya sa mga piling sinehan simula ngayong linggo.

Muling saksihan ang obra ni Direk Eddie sa pangunguna nina Christopher De Leon, Gloria Diaz, at Eddie Garcia sa mga espesyal na screenings sa SM City North EDSA, SM Megamall, SM Manila, SM Fairview, Robinsons Galleria, Robinsons Metroeast, at Market Market.

Ang Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ay ang ikatlong pelikula na sumailalim sa restoration ng ABS-CBN Film Archives at Central Digital Laboratory. Sinundan nito ang matagumpay na restoration ng pelikula ni Ishmael Bernal na Himala at ang pelikula naman ni Peque Gallaga na Oro Plata Mata.

Sadyang namumukod-tangi ang restoration campaign ng ABS-CBN kaya naman ginawa itong modelo ng ibang archivists na miyembro ng Southeast Asia-Pacific Audio Visual Archives Association (SEAPAVA) para gayahin sa kani-kanilang bansa.

Kamakailan lang din ay pinarangalan ang ABS-CBN Film Archives ng prestihiyosongInternational Association of Business Communicators ng Philippine Quill Awardpara sa matagumpay nitong kampanya sa pag-restore ng pelikulang Himala.

Marami nang nai-restore at ire-restore pa na pelikula ang ABS-CBN Film Archives kabilang na ang 50 titulo mula Star Cinema  tulad ng Got to Believe, Milan,Tanging Yaman,  Dekada 70, Maalaala Mo Kaya,  at Sana Maulit Muli.

Ayon sa head nito na si Leo Katigbak, ” Hindi limitado ang restoration efforts namin sa mga luman pelikula. Halimbawa nito ay nang ginawa naming HD format ang ‘The Mistress’. Ang lahat ng ginagawa namin ay para ihanda ang aming mga content para masilayan pa ng susunod na henerasyon ng mga manonood na Filipino.”

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *