Wednesday , December 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 3 carnap sa Maynila sa loob ng 24 oras

3 carnap sa Maynila sa loob ng 24 oras

SUNUD-SUNOD ang nakawan ng sasakyan sa Lungsod ng Maynila sa nakalipas na 24-oras, iniulat kahapon.

Sa ulat, naitala ang unang insidente ng carnapping sa pagitan ng 12:30 hanggang 5:00 ng madaling araw kamaka-lawa (Nobyembre 20).

Nakaparada umano sa tapat ng NTC building sa Nepomuceno St., Qu-iapo,  ang Isuzu NKR (CKS-286), pag-aari ni Paul John Velasco, 33,  ng Don Gregorio St., Quezon City, nang tangayin ng hindi nakilalang suspek.

Sa pagitan naman ng 7:00 hanggang 8:30 ng gabi, tinangay ng kawatan ang Yamaha Mio ni Jenina Bacani, 19,  ng 2276 Luzon St., Sampa-loc, na nakaparada rin sa harap ng NTC building, Nepomuceno St., sa na-sabing lugar.

Dakong 8:30 ng gabi, nawala sa harap ng 1516 Laguna St., Sta Cruz, ang Yamaha Sniper (9867-NN). Melchor Lopez, 42.

(leonard basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top