Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / PCCL lalarga na

PCCL lalarga na

MAGSISIMULA sa Nobyembre 25 ang Metro Manila at Luzon regional eliminations ng 2013 Philippine Collegiate Champions League.

Sasabak sa regionals ang ilang mga koponan ng UAAP at NCAA sa pangunguna ng University of Santo Tomas, Far Eastern University, National University, San Sebastian, Letran at Perpetual Help.

Ang UST ay defending champion ng PCCL.

Naunang nakapasok sa Final Four ng PCCL ang UAAP champion De La Salle University at ang kampeon ng NCAA na San Beda College.

Huling nagkampeon ang Green Archers sa liga noong 2008.

Sa panig ng Red Lions, determinado rin silang magkampeon sa PCCL.

Mapapanood sa Studio 23 ng ABS-CBN ang lahat ng mga laro sa PCCL.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top