Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pakarera ng Marho at Carry Over

Pakarera ng Marho at Carry Over

Sa gabing ito ang unang araw na pakarera para sa samahan ng “MARHO” diyan sa pista ng Sta. Ana Park (SAP), bukod sa magagandang mga line-up na ating mapapanood ay mayroong carry over na maisasama ngayon at sa Linggo.

Ang mga may carry over ay sa Pick-6 event na nagkakahalaga ng P304,992.71 at ang sa WTA event naman ay tumataginting na P 2,176,129.16 ang nakaabang lang.

Kaya paniguradong daragsa ang mga  BKs sa mga OTB. Sa puntong iyan ay may mga beteranong klasmeyts tayo na naringgan ng mas magaling talaga tsumempo ang SAP, dahil kadalasan ang carry over sa kanila ay kundi may malaking pakarera ay tipong petsa ng suweldo?

Natatapat lang ba o natataon lang? Anyway, may Disyembre pa na papasok na makakasagot ng katanungan na iyan.

Fred Magno

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top