Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P1.3-M naabo sa Caloocan

P1.3-M naabo sa Caloocan

Tinatayang P1.3 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog sa dalawang palapag na apartment sa Paz Street, Morning Breeze, Caloocan City.

Dakong 8:00 ng umaga,  Miyerkoles, sumiklab ang apoy sa unit 3 sa ikalawang palapag na inuupahan ni Sheryl Rojo.

Naghatid umano siya ng anak sa eskwelahan at naiwan ang kasambahay sa unit. Tinawagan siya ng kasambahay na merong sumiklab sa ikalawang palapag na nagmula sa koryente.

Pag-uwi ni Rojo, kumalat na ang apoy sa mga katabing unit.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago naapula dakong 9:00 ng umaga.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top