Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Obrero nalasog sa makina

Obrero nalasog sa makina

PATAY ang isang 22-anyos machine operator sa pagkakaipit sa makina sa isang pabrika ng plastic sa Taguig city kahapon ng madaling araw.

Inabutan pa ng mga imbestigador na sina PO3 Ricky Ramos at PO2 Victor Amado Biete ng Investigation Detective & Management Section (IDMS) ng Taguig PNP, na nakaipit pa sa mala-king makina ang halos malasog na katawan ng biktimang si Tahir Kamsa, 22, ng Blk 183, Lot 33, IRM Road, Maharlika Village.

Si Kamsa ay machine operator sa Eastern International Plastic Packaging Corporation, Barangay Bagumbayan.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, walang makitang palatandaan na itinulak ang biktima kaya’t malaki umano ang posibilidad na isang aksidente ang nangyari.

Wala rin palatandaan na  nagpakamatay  ni  Kamsa kaya mas malaki ang posibilidad na hinigop ng umaandar na makina ang biktima.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top