Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Abby, simbolo ng pag-asa (Kaya naging brand ambassador ng Novuhair…)

Abby, simbolo ng pag-asa (Kaya naging brand ambassador ng Novuhair…)

MADAMDAMIN ang testimony na ginawa ni Abby Asistio sa paglulunsad sa kanya bilang brand ambassador ng Novuhair kahapon sa City Best Seafood Garden.

Kung hindi pa po ninyo alam, lumaking walang buhok si Abby kaya naman ganoon na lamang ang paglalahad niya ng kanyang kuwento nang after all those years (since 4 years old po siyang kalbo o walang buhok dahil sa sakit na alopecia), ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng buhok ngayon. At ito ay dahil sa tulong ng Novuhair Topical Scalp Lotion—ang tinaguraing nature’s answer to hair loss.

Una naming nakita si Abby nang sumali ito sa The Voice, at nakatutuwang sa muli naming pagkakita ay punumpuno na siya ng buhay at kasiyahan.

Isang singer, songwriter, at TV host din si Abby at kabilang siya sa mga bagong henerasyon ng mga young artist na sumali sa Manila Genesis Entertainment & Management Inc. Ini-release niya kamakailan ang kanyang debut, self-penned single na pinamagatang Beautiful na inareglo ni Jay Durias ng South Border. Ang music video ng single ay idinirehe ni Joaquin Valdes at ngayo’y kasalukuyang paboritong pinatutugtog sa Myx gayundin sa mga hottest radio stations sa Maynila.

Sa kuwento ni Abby, as early as age of four, alam na niya ang pakiramdam ng mawalan ng buhok. Dahil nga siya ay na-diagnose na may alopecia areata, isang kondisyon na hindi tinutubuan ng buhok, nabuhay siya sa buong proseso ng hair fall, kaya ang nangyayari, inaahit na lamang niya. Nasanay din siyang laging nakasumbrero o ‘di kaya ay naka-wig, bandana, o scarf .

At dahil gusting-gusto talaga niyang magkaroon ng buhok, sinubukan niya ang iba’t ibang hair loss remedies sa States, kasama na rito ang mga chemical-based products na nakapagbigay pa ng allergies sa kanya.

Noong September 2012, lamang tinanggap ni Abby sa kanyang sarili na huwag ikahiya ang pagiging kalbo. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Jing Monis, sinimulan niya ang isang Alopecia Areata Awareness Month Instagram campaign na inimbitahan niya ang kanyang mga kaibigan at pamilya na mag-pose with a double “A” sign gamit ang kanilang mga daliri. The campaign grew to success and to date has over a thousand photos. Noong September 25 of the same year, she did a coming out concert na nag-perform siya bald in public sa unang pagkakataon.

At kasama na po rito ‘yung napanood natin siya sa The Voice dahil napabilang si Abby sa top 41 vocalists na nabigyan ng pagkakataong mag-audition sa unang season. Isa ring finalist sa Dove Real Beauty Campaign at isa sa mga 30 Young Achievers ngMeg magazine. Dahil dito naging daan na rin si Abby para maging boses ng mga tulad niyang may alopecia areata.

Kaya naman nasabi niyang,  “Honored po ako at napili ako bilang brand ambassador ng Novuhair. Makatutulong po sa akin ang bagong platform na ito upang ipagpatuloy ko ang aking advocacy to share my music and life story.”

Simula kasi noong gumamit si Abby ng Novuhair noong Marso 2013, nakita na niya ang magandang resulta. Nariyan ang unti-unting pagtubo ng animo’y balahibong pusa na kulay puti. At pagkaraan pa ng ilang araw, lingo, unti-unti na itong kumakapal at nagiging kulay itim. ”Mas makapal po ang mga strand ng aking buhok at mas makapal na rin po ito at more healthy-looking. Clearly nourished and invigorated po ang aking scalp. Pagdating sa hair growth nasa panig ko ang nature with Novuhair,”  paliwanag ni Abby na kahit kami’y nagulat sa aming nakita.

“We at Novuhair are very happy to welcome Abby to the family,”  sambit naman ni Ms. Sheila Mae Velilla, President ng  Nutramedica Inc.  “Perfect candidate si Abby para ipakita kung gaano kaepektibo ang Novuhair  and we are glad to see visible results.”

Iginiit pa ni Abby na walang dapat ikabahala sa Novuhair Topical Scalp Lotion dahil pawang herbal ang ingredients na ‘di tulad ng iba na chemical. Ang mga natural ingredients sa formulation ng Novuhair ay kinabibilangan ng moringa oleifera, panax ginseng, virgin coconut oil, at essences ng rosemary at lavender among others.

Available ang Novuhair Topical Scalp Lotion sa mga individual purchase; bilang bahagi ng combo pack kasama ang bottle of Novuhair Herbal Shampoo; at 3-in-1 pack that includes the herbal shampoo at bottle ng Novuhair Herbal Conditioner.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top