Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sikat na singer, living in style pa rin kahit walang shows

Sikat na singer, living in style pa rin kahit walang shows

NAGTATAKA ang mga kasamahan sa panulat sa isang dating sikat na singer na nakakapagpapuno ng malalaking concert venue sa buong Metro Manila dahil wala naman daw itong shows ay living in style pa rin ang drama.

Napapanood daw ang dating sikat na singer sa isang programa na hindi naman siya ang bida dahil one of those na lang siya sa rami ng performer sa nasabing show kaya’t saan daw kumukuha ng panggastos ang nasabing singer.

Sabi naming, baka naman may negosyo kaya petiks-petiks na lang siya sa buhay at kaya lang niya tinanggap ang programang nilalabasan kahit hindi siya ang bida ay para lang makita pa rin siya ng tao lalo na sa ibang bansa na gusto siyang imbitahin.

Pero ang sabi ng sikat na entertainment editor, “hindi na niya need ng money because her ‘papa’ is super rich at wala silang ginagawa kundi maglaro na lang ng golf and also, they’re into diving din because the guy is a diver, so, wala silang ginawa kundi mag-dive ng mag-dive literally, ha, ha, ha, ha, ha,” humahalakhak na kuwento sa amin.

Siyempre Ateng Maricris, hindi naman namin kilala ang sinasabing rich papa ni dating sikat na singer kasi hindi rin naman namin nasusubaybayan ang singing career nitong dating sikat na singer.

“Grabe, you don’t know her rich papa? Magbasa ka nga ng diyaryo?” sabi ba naman sa amin, kaloka!

(Reggee Bonoan)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top