Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Nanay itinumba sa harap ng 2 paslit na anak

Nanay itinumba sa harap ng 2 paslit na anak

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang nanay makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang suspek sa harap ng kanyang dalawang paslit na anak sa Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay si Annaliza Galang. Hindi sinaktan ng suspek ang mga anak ng biktima na sina Jayson, 7, at Renz, 5, residente ng Bibiclat, Aliaga.

Sa inisyal na ulat ng mga awtoridad, dakong 11:40 p.m. habang nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanilang bahay kasama ng kanyang mga anak nang sumilip ang suspek sa naka-awang na bintana at agad pinaputukan sa dibdib ang ginang.

(RAUL SUSCANO/LEONY AREVALO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top