Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Korina, pinagbakasyon o sinuspinde?

Korina, pinagbakasyon o sinuspinde?

HOW true na one year ang suspension na ipinataw ng ABS-CBN News and Current Affair kay Korina Sanchez?

Naunang lumabas na one week ang suspension ng matapang na news anchor matapos niyang patutsadahan ang CNN news anchor na si Anderson Cooper.

Marami ang naimbiyerna kay Korina sa kanyang ginawa at talagang pinag-usapan siya sa social media. Parang wala yatang kumampi sa kanya at lahat ng simpatya ay napunta kay Anderson.

Naligalig marahil ang news department ng Dos kaya naman pinagpahinga muna nila si Korina. Ang last appearance yata ni Koring ay noong Thursday of last week pa at hindi pa rin siya bumabalik sa TV Patrol.

Ang chika, one week daw na suspendido ang beauty ni Korina. Until reports surfaced na ginawa na raw itong one year.

Kung totoo ‘yon, hindi ba napaka-harsh naman niyon?

Anyway, nag-deny na ang kampo ni Korina at sinabing nakabakasyon lang siya.

Nagtatanong ang marami sa social media, nagbakasyon o pinagbakasyon nila si Korina?

Marami kasi ang naniniwalang biglang pinagbakasyon ang news anchor dahil na rin sa mataray nitong comment kay Cooper.

MJ, ultimate crush si Marian

SI Marian Rivera pala ang ultimate crush ng baguhang singer na si MJ Cayabyab.

“Ang ganda niya talaga kahit saang anggulo, kahit nandito ‘yung camera. Ang husay niyang umarte, cool siyang kumilos. Masaya ako kung magiging kaibigan ko siya. Ang ganda niya talaga kahit wala siyang make-up,” sabi ni MJ sa launching ng self-titled album niya kamakailan.

Nagkasama na ba sila ni Marian?

“Nagkabatian lang kami sa GMA pero hindi ko pa siya nakakasama sa isang project. Ang mga nakakasama ko lang ay sina Jake Vargas, Bea Binene, at Kristoffer Martin.”

Lumaki sa lola si MJ at noong album launch niya ay umapir ang kanyang madir na galing pa ng Malaysia. Naroon naman ang mga relative niya sa father.

Hindi pa personal na nakikita ni MJ ang kanyang ama at two months ago lang niya itong nakita sa internet noong mag-chat sila.

Since Larawang Kupas ang carrier single ng album ni MJ ay tinanong namin siya kung mayroon siyang natabi na litrato ng kanyang ama. Wala, ang sabi niya.

Kahit na lumaki sa lola ay hindi bitter si MJ sa kanyang buhay. Napatawad na niya ang kanyang mga magulang sa pag-abandona nito sa kanya.

Very noticeable na puro Tagalog ballads ang nasa album ni MJ.

“Kasi market po naming ang mga masa po talaga. Market naming lahat ng ages, makare-relate sila kasi nga ‘yung mga Filipino medyo madrama. Naisipan namin ngayon kasi maraming naglalabas ng mga album na upbeat, siyempre hindi ko puwedeng sabayan ‘yon, noong nag-meeting kami sa Viva Records we came up na love songs kami lahat para mas makare-relate ang mga tao,” came his explanation.

Kasama sa album bukod sa Larawang Kupas ang Dahil Sayo na sariling komposisyon ni MJ; Kahit Ika’y Nagbago, Mahal na Mahal Kita, at Muntik na Kitang Minahal.

Michael, dream come true ang 18MPH concert

DREAM come true kay Michael Pangilinan ang kanyang birthday concert entitled 18MPH sa November 26 sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City.

Talagang pinaghandaan ng friend naming si Jobert Sucaldito ang kanyang birthday concert dahil sandamakmak na magagaling na performers ang makakasama ni Michael tulad nina Luke Mejares,  Jimmy Bondoc, Carlo Aquino, Miss Tres, Prima Diva Billy,  Willy Jones, AJ Tamisa, Chazz, at Gladys Guevarra.

18th birthday ni Michael sa Novermber 26 kaya naman inaasahang malaking selebrasyon ang mangyayari.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top