Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cristine, inaming nakipagrelasyon sa tomboy

Cristine, inaming nakipagrelasyon sa tomboy

HONESTO ang drama ni Cristine Reyes dahil inamin niya sa GGV na nakipagrelasyon siya sa tomboy. Type raw niya ang T-bird dahil Chinita at maputi. Siya pa nga ang nanligaw.

“Oo! Ha! Ha! Ha! Ako nga ‘yung nanligaw, ‘di ba? Ano ako noon, Grave IV. Tapos, nawala siya sa akin noong Grade VI,”deklara niya.

“Open naman ako roon, eh. Bata pa ako noon. Kasi, all-girls school ako, normal naman ‘yun sa all-girls school, ‘di ba? Hindi naman siya tago,” sey niya nang makatsikahan namin sa solo presscon niya para sa paglabas niya simula ngayong Miyerkoles sa Honesto.

Ayaw na raw niyang pag-usapan ang Tivoli na ‘yun dahil non-showbiz.Wala raw  laswaan na naganap dahil bata pa siya noon.

Noong high school ay wala na raw kasi nakilala niya ‘yung mga crush-cruch niyang boys naAtenista.

“’Yung school ko, malapit sa Ateneo. High school ako nagka-first boyfriend,” balik-tanaw niya.

Sa ngayon ay ayaw na niyang subukan na makipagrelasyon ulit sa tomboy kahit marami ang nagpapantasya sa kanya.

“Hindi girl.. hindi siya happy,” bulalas pa niya.

Pinag-usapan din ‘yung gym-mate niya na tinalakay din sa The Buzz ng Bayan.

“Kina-clarify  ko kasi  hindi naman talaga..kung sinuman ‘yung iniisip ng mga tao na may asawa and all, hindi ‘yun ‘yun. Nakahihiya roon sa tao.

“Baka kasi nakikita nila ipino-post ko ‘yun, ‘di ba? Isipin nila ‘yun ‘yun, hindi.”

So may ibang yummy na instructor?

“Naging gymmate pero kaibigan actually.”

Pero pinagselosan ni Derek Ramsay dahil yummy?

“Hindi ko alam,” sagot ni AA (tawag kay Cristine) na parang hirap na hirap sa tanong.

Inamin din ng aktres na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa actor dahil close friend niya ito kahit split na sila. Hindi nga lang daw sila nag-swak as lover.

Itinanggi rin ni Cristine na may kinalaman sina Ynna Asistio, Rayver Cruz, at Dennis Trillo sa hiwalayang nangyari.

“Hindi ako masyadong um-effort so ‘yun ang medyo nagsisisi ako. Si Derek kasi sobra sa akin. Nag-usap kami ng personal. May iyakan. May ilang days na wala ako sa sarili. Minsan hindi ko siya kinakausap. Kasi ako may topak talaga ako. Minsan ayaw ko siya kausapin. Gusto ko mapag-isa lang,” tsika pa ni Cristine.

After naman magwakas ang serye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay magdadagdag kulay siya ngayon sa Honesto. Gaganap  siya bilang si Marie,na mag-alaga kay Diego (Paulo Avelino) habang ito ay nagpapagaling. Parang limang taon siyang magiging nurse ng na-comatose na si Paulo, hanggang sa ma-inlove siya rito.

Pero sa totoong buhay, hindi niya maisip na ma-inlove kay Paulo at eventually ay maging sila.

“‘It doesn’t mean naman kapag partner mo ‘yung isang lalaki at single siya, eh, magiging kayo. As much as possible po, sana hindi kasi ‘di ba, parang ano, every project, boyfriend mo ‘yung guy parang hindi naman okay,” deklara ng aktres.

Dagdag pa ni Cristine, hindi niya alam kung ano talaga ang ugali ni Paulo dahil ngayon lang sila nagkasama. Hindi niya matandaan kung nag-abot sila sa GMA 7. Basta minsan ay nagkasama raw sila dahil kay Jake Cuenca pero hindi pa raw sila nagkatrabaho.

Tsuk!

Jestoni, pinaglalawayan ni Pokwang

“MASAYA kami ni Pokwang kasi magkaibigan kami noon pa,” pahayag ni Jestoni Alarcon na gumanap siyang asawa sa pelikulang Call Center Girl na showing sa Nov. 27.

Aminado si Pokwang na noon pa ay crush niya si Jestoni (That’s Entertainment days pa) at hanggang ngayon ay naglalaway pa rin siya sa guwapong actor at Board Member sa first District ng Rizal. “Ah, talaga. Ganoon? Ha!ha!ha! baka nagpapatawa lang si Pokwang,” aniya pa.

May kuwento pa nga si Pokie na bumabagyo pero inabot na sila ng shooting ng umaga. Lahat ng artista ay nakauwi na maliban sa kanila ni Jestoni. Lumamig na lang ang ulo  niya dahil  si Jes ang ka-love scene niya na na inabot ng alas-otso ng umaga.

“Mabait si Pokwang and I’ll hope na maging successful ‘yung movie kasi kailangan naman natin ng comedy film sa rami ng mga nangyaring hindi maganda, ‘di ba? Para ma-relax naman tayo.

Joyce at Kristoffer, ‘di pa rin okey

HINDI pa diretsang masabi ni Joyce Ching kung nay balikang nangyari sa kanila ni Kristoffer Martin. Hindi niya masabi kung break sila o cool-off.

“Basta po magulo po kami ngayon,” deklara niya.

Aminado naman sila na sa kanilang dalawa rin nag-ugat ang gulo. Pareho daw silang magulo.

Kahit noong mag-hotel ang mga taga-Tween bilang reunion at treat ni Bea Binene sa kanyang kaarawan ay hindi raw nagtagal si Kristoffer.

Iniiwasan ba siya ng young actor.

“Hindi po, eh, kung umiiwas po siya eh, ‘di sana hindi na siya nagpunta, ‘di ba?” sagot niya.

Nagkausap naman daw sila pero nothing personal dahil reunion nga ‘yun ng Tweens. Hindi rin daw sila madalas mag-texsan.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top