Thursday , April 25 2024

Binay, ‘di raw totoong namahagi ng relief goods na may sticker niya

111913 BINAY RELIEF

STILL at the height of the relief operations para sa mga nasalanta ng  bagyong Yolanda, an OFW-friend tagged a photo on Facebook na makikitang nakasupot ang mga relief good na ipinamamahagi ni Vice President Jejomar Binay with his name and title on the plasic bag.

Siyempre, umani  ‘yon ng maraming negatibong comments. And honestly, hindi rin namin napigilan ang aming sarili by posting a comment in concurrence na sa panahong ito ng kalamidad ay isantabi muna sana ang pamumulitika.

Sa pagdaraos ng nagdaang ika-18 anibersaryo ng Startalk nitong Sabado, off camera’y nagkakahuntahan ang mga host nitong sina Joey de Leon, Ricky Lo, at Lolit Solis, each of them sharing his thoughts about how this natural disaster—unfortunately—has been tainted with politics.

Mismong kay Tito Joey namin nalaman na sinadyang ipinost lang daw ang supot ni Binay when, in fact, the country’s VP has never distributed relief goods packed in plastic bags that bear his name and title. Posible raw na kagagawan ito ng mga hindi kaalyado ni Binay (ang PNoy administration) aimed to discredit him.

Nakalulungkot na nagiging isa nang political issue ang isang kalamidad, when it’s supposedly a national concern of paramount importance na walang puwang dapat ang pamumulitika.

Sadly, as it obviously appears, kanya-kanyang papogi at paganda points a la Mr. and Ms. Universe ang sistema na dapat sana’y mas inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa mga pansariling interes ng ilang politiko sa ilalim ng anila nga’y pinakamahinang liderato.

Ronnie Carrasco III

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *