Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mister binoga sa kara ng erpat ni misis (Nambugbog ng asawa at biyenang babae)

Mister binoga sa kara ng erpat ni misis (Nambugbog ng asawa at biyenang babae)

NAGA CITY – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang biyenang lalaki sa mukha dahil sa pambubugbog sa kanyang misis at biyenang babae sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang nabaril na si Roderick Saavedra, 33-anyos, nasabing lugar.

Ayon sa ulat, umuwing lasing si Saavedra at nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang misis na si Mirabel.

Humantong ito sa pananakit ni Saavedra sa kanyang misis kaya inawat ng mga biyenang sina Eva at Melecio.

Ngunit lalong nagalit si Saavedra at sinaktan maging ang biyenang si Melecio. Sunod na sinaktan ni Saavedra ang biyenang si Eva na sinuntok, hinampas ng dos por dos at sinakal.

Upang maawat, kinuna ni Melecio ang kanyang shotgun at binaril sa mukha si Saavedra. (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top