Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Minalas o may iba pang dahilan

Minalas o may iba pang dahilan

Minalas lang ba o may iba pang dahilan ang hineteng si Unoh Hernandez ?

Iyan kasi ang naging usap-usapan ng mga klasmeyts natin sa OTB na aking napasyalan at maging sa social group sa computer ay mainit din ang isyu na iyan.

Ang tinutukoy kasi nila ay pagkatalo ng tatlong sakay ni Unoh na pawang mga outstanding favorite na sina Lap Of Luxury, Ian’s Bet at Jungle Jingle.

Base sa ilang mga beteranong karerista na ay halos lahat ay tila hindi pinatakbo ng totoo ang mga naturang kabayo, lalong-lalo na iyong kay Ian’s Bet na halos mapatid ang renda sa kapipigil.

Maaaring mapapanood ulit sa YouTube ang kontrobersiyal na usaping iyan, ilagay o i-type lang sa search ang mga sumusunod “MMTCI_111413_R2”, “MMTCI_111413_R3” at “MJCI-111613-R9”.

Paalam pansamantala at Dios Mabalos mga klasmeyts.

Fred Magno

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top