Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 17 katao arestado sa illegal fishing

17 katao arestado sa illegal fishing

NAGA CITY – Arestado ang 17 katao matapos mahuling illegal na nangingisda sa Polilio, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Dante Almoete, 53; Salvador Lascano, 49; Jerry Serrano, 31; Bryan Filomeno, 30; Norman Dudas, 36; Arnel Viana, 48; Jomar Rosero, 28; Jose Marquez, 40; Herson Tradio, 25; Alvin Sumalino, 28; Gilbert Dacer, 25; Bernardo Ladimo, 49; Ricky Gargallo, 32; Roberto Requilles, 41; Alan Posas, 35; Salvador Aguirre, 42 at Ronnie Malbog, 38, pawang mga residente ng bayan ng Atimonan.

Nagpapatrolya ang grupo nina Insp. Fortune Dianne Bernardo, OIC Chief of Police ng PNP-Polilio, sa karagatang sakop ng naturang bayan, nang maispatan ang mga suspek.

Ayon kay Insp. Bernardo, lulan sa fishing boat na F/B ERICA BEA, isang uri ng buli-buli, ang pitong kalalakihan at nangingisda sa bahagi ng dagat na ipinagbabawal ang mga buli-buli.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top