Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Luis, ang ina ang peg sa pag-aasawa

Luis, ang ina ang peg sa pag-aasawa

MUKHANG matatagalan pa bago makakita ng girlfriend si Luis Manzano dahil ang hinahanap pala niyang katangian sa babae ay katulad ng mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Paliwanag ng aktor, ”My mom naman is constantly the woman in my life na dapat lang na lahat ng characteristics mayroon si mommy ay dapat lang na mayroon din ang girlfriend ko.

“Kasi nakikita ko si mommy bilang asawa, so definitely ‘yung magiging asawa ko may characteristics na tulad niya (Vilma) na isang ina, so bakit pa ako lalayo sa isang peg?” katwiran ng aktor.

Sa rami ng naging dyowa ni Luis, ni isa sa kanila ay walang ganitong character katulad ng nanay niya?

“May mga pangyayaring bagay-bagay kaya nagkakahiwalay, lahat naman sila ay mabubuting tao, things happen for a reason,” maagap namang sagot ni Luis.

Baka nga hindi pa ipinapanganak ang babaeng hinahanap ng aktor.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top