Tuesday , October 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Contractor grabe sa holdaper

Contractor grabe sa holdaper

KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang contractor matapos pagbabarilin ng dalawang holdaper na riding in tandem nang pumalag ang biktima kahapon ng mada-ling-araw sa Pasig City.

Kinilala ni Chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Investigation Section ng Pasig PNP, ang biktimang si Darwin Cabatingas, 28, contractor ng Edge Incorporation at residente ng #812 TB-1, Brgy. 201, Zone 20, Pasay City.

Tumakas ang naka-helmet at armadong mga salarin sakay ng isang scooter na walang plaka tangay ang pera at kagamitan ng biktima.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong 4:45  a.m. sa Ortigas Avenue Ext., Brgy. Ugong, Pasig City.

Naglalakad ang biktima nang harangin ng mga suspek at tinutukan ng baril kasabay ng pagdedeklara ng holdap.

Bagama’t nabigla ay nanlaban ang biktima dahilan para paputukan ng ilang ulit ng mga suspek bago mabilis na tumakas.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top