Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 200 pugante sa Tacloban tinutugis na

200 pugante sa Tacloban tinutugis na

111513_FRONT

PUSPUSAN ang paghahanap ng mga awtoridad sa 200 preso na pumuga mula sa Tacloban City Jail sa kasagsagan ng pananalasa ng super typhoon Yolanda.

Inatasan na ni DILG Secretary Mar Roxas si PNP Region-8 Director Elmer Soria na pag-ibayuhin ang paghahanap sa mga nakatakas na ang iba ay may mabibigat na kaso.

Inabisohan na rin ang mga chief of police ng Region-8 na maging alerto laban sa mga pugante na baka sakaling umuwi sa kanilang mga pamilya.

Kabilang sa paiigtingin ang pagbabantay bukod sa Tacloban ay ang mga lugar ng Palo, Leyte, sa Tanauan at Tolosa.

Nauna nang naibalik sa detensiyon ang mahigit 30 bilanggo.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top