Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Tagahanga dinedma bebot kritikal sa kelot

Tagahanga dinedma bebot kritikal sa kelot

KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang babae matapos pagsasaksakin ng kanyang tagahangang kapitbahay  matapos deadmahin ng biktima kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Judy delos Santos, 28, re-sidente ng Kawal St., Dagat-Dagatan, sanhi ng mga saksak sa likod.

Tinutugis ng pulisya ang suspek na si Erwin Tanleru, mabilis na tumakas matapos ang pana-naksak.

Batay sa ulat ng pu-lisya, dakong 8:30 p.m. nang maganap ang in-sidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nakaupo ang biktima nang sumulpot ang suspek at muli na naman kinulit tungkol sa kanyang panliligaw ngunit binalewala ni Delos Santos na ikinagalit ni Tanleru.

Biglang bumunot ng patalim  ang  suspek at inundayan ng saksak sa likod ang biktima saka mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top