Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, new GSM calendar girl 2014

Marian, new GSM calendar girl 2014

SA ikalawang pagkakataon, muling kinuha ng Ginebra San Miguel si Marian Rivera bilang modelo sa kanilang 2014 calendar. Ito ay bilang bahagi rin ng kanilang 180th anniversary flagship brand ng Ginebra San Miguel Inc., o GSMI sa susunod na taon.

Una palang nag-pose si Marian sa GSM noong 2009 at muling kinuha ang aktres ngayong 2013. Nakita namin ang iba’t ibang magagandang shoot na ginawa ni Marian at tunay na kabigha-bighani iyon. Napakaganda ng pagkakakuha sa kaseksihan ni Marian ni Marc Nicdao na inakmaan ng stylist na si Liz Uy. Ginawa ang pictorial sa Batangas, Boracay, at Palawan.

Timing din naman ang pagkakuha ng Ginebra San Miguel kay Marian dahil siya ang itinanghal na sexiest female celebrity ng FHM magazine. Kalalabas din lang niya bilang lead star sa top rating primetime soap ng GMA 7 at sa matagumpay na pelikula nila ni Ai Ai delas Alas mula sa Star Cinema at Reality Entertainment.

Ayon kay Marian, malapit na siyang mapanood sa isang napakagandang soap opera mula sa GMA 7, ang One Day, Isang Araw: Ang Sikreto ni Milette. Mayroon din sana siyang uumpisahang comedy show subalit sinabi niyang isa-isa muna dahil gusto muna niyang mag-concentrate sa serye. At saka raw niya uumpisahan ang isa pang show kapag naging okey na ang takbo ng serye.

“Sobra po akong honoured and I feel so blessed at nabigyan po ako ng opportunity na mag-post para sa Ginebra San Miguel calendar sa ikalawang pagkakataon,” ani Marian. “This time, mas confident ako sa pag-post ko para sa brand. Very proud din po ako dahil very tastefully done ang lahat ng mga layout.”

Sa tatlong pictures na ipinakita sa presscon, pawang magaganda ang mga kuha ni Marian. Naroong nakasuot siya ng kulay dilaw, pula, at puting sexy swimsuit na kahit sino ang makakita ay tiyak na maaakit sa kanya.

“Napakalaking star po ni Marian at gusto po naming i-celebrate ang aming 180th na anibersaryo in a big way and with a bang. She exudes the sensuality and confidence ng ideal na Ginebra Calendar Girl at napakaligaya po namin to have her on board bilang calendar girl namin for the second time,” sambit naman ni GSMI Vice President at Marketing Manager na si Mr. Nelson Elises.

Ang Ginebra San Miguel ang itinuturing na world’s largest selling gin. Ang iba pang mga produkto ng GSMI ay GSM Blue, GSM Blue Flavors, Ginebra San Miguel Premium Gin, Gran Matador Light, Gran Matador Solera, Don Enrique Mixkila, Antonov Vodka, at Antonov Vodka Mixed Drinks.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top