Tuesday , October 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Cash gifts ng gov’t workers kasado na

Cash gifts ng gov’t workers kasado na

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang maagang pagpapalabas ng Christmas bonus para sa mga manggagawa ng gobyerno.

Sinabi ni Budget Sec. Butch Abad, kabuuang P15.75 bilyon bilang 13th month at cash gift ang matatanggap ng government workers ngayong araw.

Ayon kay Abad, nagdesis-yon si Pangulong Aquino na ibi-gay na ang naturang bonus hindi lamang sa mga apektado ng kalamidad kundi kasama na rin ang iba pang government workers na maaaring may kaanak din na naapektohan ni bagyong Yolanda.

Wala naman nakikitang problema ang kalihim sa agarang pagpapalabas ng bonus dahil ang pondo ay nasa mga ahensiya na ng pamahalaan at naghihintay na lamang ng go signal ni Pangulong Aquino.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top