Tuesday , September 23 2025

Bebot todas sa holdaper P.5-M tinangay

111413 crime
BUMULAGTANG walang buhay si Olivia Gilasco matapos barilin sa Halcon St., Brgy. San Isidro Labrador, Quezon City ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo na umagaw sa kanyang bag na naglalaman ng kalahating milyong piso kahapon ng umaga. (ALEX MENDOZA)

PATAY noon din ang babaeng kawani ng pribadong kompanya makaraang pagbabarilin ng isa sa riding in tandem at hinablot ang dala niyang P500,000 cash sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Olivia Gilasco, 44, may-asawa, ng Cainta, Rizal.

Si Gilasco ay tinamaan ng mga bala sa ulo at katawan makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek na lulan ng motorsiklo dakong 10:20 a.m. sa Halcon St., Brgy. San Isidro Labrador ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, bumaba ang biktima mula sa Nissan Navarra (ZTX-788) na minamaneho ni Jaypee Payoran, 28, nang lapitan siya ng gunman at pagbabarilin. Pagkaraan ay hinablot ng isa sa mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng nasabing halaga saka mabilis na tumakas ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

bagyo

Super Typhoon Nando lalong lumakas; klase, pasok sa gobyerno suspendido

IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon ng mga klase at pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan …

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

Karahasan sa mga kilos protesta 72 arestado sa Maynila

DINAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang hindi bababa sa 72 indibiduwal …

Celebrites Rally Protest

Entertainment sector lumahok sa protesta vs multi-trilyong korupsiyon

BUKOD sa sektor ng mga relihiyoso, lumahok sa panawagan ng publiko na labanan ang malawakang …

Protest Rally

Sa P3-trilyong anomalya sa flood control projects
MALAWAKANG PROTESTA ‘BUMAHA’ SA BUONG BANSA

LIBO-LIBONG indibiduwal ang nagtipon-tipon sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, 21 Setyembre, bilang protesta …

Bulacan Police PNP

3 MWP tiklo sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong indibidwal pawang may pinaghahanap ng batas at may kinakaharap na mga kasong …