Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, ipina-auction ang 1970 Chevrolet Chevelle para sa Yolanda victims

Angel, ipina-auction ang 1970 Chevrolet Chevelle para sa Yolanda victims

TALAGANG nakabibilib itong si Angel Locsin.

Akalain mo, kaya niyang ipagbili ang isang bagay na mahal na mahal niya basta makatulong lamang siya sa mga biktima ng Yolanda typhoon. Kaya niyang magsakripisyo all in the name of humanity.

Nasulat sa Top Gear website na ipinapa-auction ni Angel ang isang muscle car na sobrang mahal niya. Isa itong 1970 Chevrolet Chevelle na nasa magandang kondisyon. Two years ago yata binili ni Angel ito mula sa Amerika. Alam naman ng lahat na mahilig talaga ang dalaga sa mga panlalaking sasakyan. Hindi nga ba’t may Hummer pa siya.

Anyway, noong una raw ay gustong ibenta ni Angel ang muscle car sa direct buyer para sa Yolanda victims. Ang pagbebentahan ay ibibigay niya sa Sagip Kapamilya Foundation.

Pero nagbago ang kanyang isip at ipapa-auction na lang niya ito.
ALex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top