Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sharon, nag-donate ng P10-M sa mga biktima ng Yolanda

Sharon, nag-donate ng P10-M sa mga biktima ng Yolanda

BONGGA si Sharon Cuneta. Talagang hindi siya nagpatolbog sa mga celebrities na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

In-announce ni Sharon ang kanyang tulong pinansiyal sa kanyang sharon_cuneta12 Twitter account.

“@AboitizFDN please expect a check of PHP 5 million from me tomorrow. The other PHP 5 million plus, please expect tomorrow as well, @alagangkapatid. This is how much I believe in you both. God bless VISAYAS. #BangonVisayas.”

Naisip siguro ni Sharon na kailangan niyang i-explain kung bakit sa dalawang foundations niya napiling ipadaan ang kanyang tulong.

“I just want to let you all know that you can trust the aboitiz foundation and the alagang kapatid foundation of TV5. Sigurado pong makaaabot sa mga nangangailan sa Visayas ang inyong donasyon! Thank you,” esplika niya sa Twitter.

Sa pagkakaalam namin, ang donation na P10-M ni Sharon ang pinakamalaking single donation mula sa artista.

Sobra sigurong naawa si Mega sa nakita niyang perhuwisyong dulot ni Yolanda. Kahit sino naman talaga ang makakita sa photos at videos sa social media ay maantig talaga ang damdamin.

No wonder, pati Hollywood celebrities ay nagpakita na rin ng concern sa ating mga kabayayang naging biktima ni Yolanda.

Sarah, mas nasaktan nang makipag-hiwalay kay Gerald

SO, true pala na talagang nagkaroon si Sarah Geronimo ng relasyon kay Gerald Anderson.

Kahit na indirect ang kanyang naging pag-amin  ay obvious namang si Gerald ang hindi niya pinagalanang guy na nagbigay sa kanya ng second heartache.

Not naming names, Sarah admitted that her second karelasyon gave her more pain compared sa nauna niyang nakarelasyon na si Rayver Cruz.

Ang nakakaloka, until now ay ayaw umamin ni Sarah na she’s into her third relationship. When asked if she’s in love during a guesting sa isang talk show ay “secret” ang naging tugon ni Sarah.

That’s quite understandable kasi naman alam niyang hindi pa solid na solid ang kanilang relasyon ng actor-racer na si Matteo Guidicelli.

But she dropped hints na she’s into a relationship now when she said, “basta ako, nagdarasal at hoping ako na tama ang ginagawa ko.”

Hindi man sabihin, in love nga si Sarah at si Matteo ang kanyang minamahal.

What’s stopping Sarah from admitting publicly that she and Matteo are now an item?

We could only guess. Siguro dahil alam niyang maiintriga sila at mas magiging complicated ang kanilang relasyon kapag inamin niyang dyowa na niya si Matteo.

Isa pa, ayaw pa siguro ni Divine sa binata, hindi pa nito ibinibigay ang kanyang blessing.

Anyway, we hope na at 25 ay makita na niya ang kanyang perfect guy para sa kanya. Kung si Matteo nga ‘yon, sana ay ‘wag nang humadlang ang kanyang inang tila laging panira sa kanyang love life.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top