Thursday , November 13 2025

Moratorium sa utang, interest apela ni Chiz sa GSIS, SSS (Para sa quake, Yolanda victims)

UMAPELA si Senador Francis Escudero sa government and private financial institutions na magpatupad ng moratorium sa paniningil ng utang, interest at iba pang bayarin sa mga biktima ng bagyong Yolanda at magnitude 7.2 na lindol.

Tinukoy ni Escudero, chairman ng Senate Committee on Finance, sa kanyang apela ang GSIS, SSS, Pag-IBIG fund, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.

Aniya, dapat isama sa moratorium ang mga public corporation at mga local government unit upang makapag-concentrate sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.

Pinatitiyak naman ni Escudero sa insurance commission na may pambayad ang mga insurance company sa mga claimant

Aminado si Escudero na isa sa kanyang ipinangangamba ay ikatwiran ng mga insurance company na kakapusin ang kanilang pondo dahil sa dami ng claimants.

Kasunod nito ay nagbigay na rin ng briefing si Escudero hinggil sa pagsuko ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng nakararaming senador.  (CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP Nartatez

Nartatez tumutok sa mga operasyon paglipas ng bagyo

MABILIS na tinutukan ni Acting Chief PNP Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang …

SM Iloilo DTI Panubli-on 1

Local Ingenuity Shines at DTI’s Panubli-on Heritage Trade Fair in SM City Iloilo

DTI Region 6 officials together with SM Supermalls Iloilo Team open the Panubli-on Heritage Trade …

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Kris Aquino Bea Alonzo Andrea Brillantes

Bea nasorpresa kay Kris, magnininang nga ba? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KUNG marami ang nasorpresa sa pagbati ni Kris Aquino kay Bea Alonzo, ganoon din …

PNP handa Bagyo Uwan

PNP Chief Nartatez nanguna sa malawakang paghahanda laban sa super typhoon Uwan

SA PAGHAHANDA ng bansa sa pagtama ng super typhoon Uwan, puspusan ang ginawang paghahanda ng …