Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wally, magbabalik-Eat Bulaga! na?!

Wally, magbabalik-Eat Bulaga! na?!

SHOWBIZ is abuzz with rumors that Wally Bayola will return to Eat Bulaga to host and do his comedic stuff on Eat Bulaga. Who else but Joey de Leon could provide us the answer?

“Ow? Hindi ko alam,” matipid na tugon ni Tito Joey a la Janet Napoles when recently grilled at the Senate investigation kaugnay ng pork barrel scam. Pero siya na rin ang kumambyo, “Malabo siguro.”

Kung matatandaan, Wally voluntarily took a leave of absence from his daily grind makaraang pumutok ang sex video scandal nila ng isang EB Babe, who resigned four days before kumalat sa social media ang kanilang pagtatalik.

Bawi uli ni Tito Joey, “Makakalimutan din ng tao ‘yon,” referring to the scandal.

Pero kung totoong sa Disyembre na muling bubulaga si Wally sa nasabing noontime show, welcome news ito para sa mga tagasubaybay ng tandem nila ni Jose Manalo. Although Jose manages to pull off ‘yung Juan For All, All For Juan segment ng EB with Paolo Ballesteros ay iba pa rin ang partnership nila ni Wally.

And we, as a forgiving people, will always give an offender a second chance lalo’t panahon ng pagpapatawad at pang-unawa ang buwan ng Kapaskuhan. (RONNIE CARRASCO III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top