Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jessy, gustong makita si JM ngayong nakalabas na ng rehab (Jake, lamang sa panliligaw over Sam?)

Jessy, gustong makita si JM ngayong nakalabas na ng rehab (Jake, lamang sa panliligaw over Sam?)

HINDI maiwasan na itanong kay Jessy Mendiola sina Sam Milby at Jake Cuenca.

Paboloso ang panliligaw sa kanya ni Jake. Niregaluhan siya ng bag kamakailan at may time naman na pag-open niya ng van ay may  malaking bouquet . Na-appreciate naman ni Jessy ang pagiging thoughtful ng kanyang leading man sa seryeng Maria Mercedes ng Dos.

“Lahat ng tao iniisip nila na si Jake ay maangas, mayabang o pa-sexy , in real life, he’s really sweet. He’s such a gentleman,” deklara ni Jessy na gaganap na anak ni Pokwang sa pelikulang Call Center Girl ng Skylight Films at Star Cinema. Showing ito sa November 27.

“Pero  ngayon wala akong nararamdaman na panliligaw kahit kanino…kahit pagtulog hindi ko nadarama. Busy din si Jake, eh, so wala naman,” sambit niya.

Hindi niya ikinokonsidera na panliligaw ‘yung mga ibinibigay ni Jake?

“No, kasi si Jake is very generous. Sa lahat ng tao, palagi siyang nagbibigay ng mga regalo. ‘Yun ang isa sa bilib ako kay Jake. He’s very thoughtful. Hindi lang sa akin na leading lady niya..sa aming lahat,” deklara niya.

Pero sabi ni Jake sa isang panayam lahat ay gagawin niya para kay Jessy, willing siyang maghintay at hindi naman siya nagmamadali?

“Talaga? Alam naman niya kasi na I’m not ready yet,” sey pa niya.

Pero ano ang reaksiyon niya dahil sinasabi ng ilang tao na pang-promo lang ang panliligaw ni Jake para sa Maria Mercedes?

“Hindi naman. Hindi naman promo kasi kung promo, talagang pinu-push namin ,oo nanliligaw , nagbibigay ng ganito pero hindi , eh!” reaksiyon niya.

Pero natutuwa raw siya at nakikita niya ‘yung effort ni Jake.

Lamang ba si Jake kay Sam?

“Walang lamangan. Pareho… Wala na nga akong oras matulog, eh!” sambit ni Jessy.

Consistent ba si Sam sa panliligaw sa kanya?

“Ganoon pa rin naman. Consistent pa rin naman. He’s always communicating with me. Kumbaga, wala ‘yung hindi kami nag-uusap. Kung nasa States siya, nagme-message pa rin siya sa akin, nagla-line siya sa akin..he!he!he! Nagse-send ng stickers. Nakatutuwa nga siya,eh!

“Gumawa talaga siya ng line para sa akin…’Yung pagbalik niya galing States may pasalubong siya,” aniya.

Anong reaksiyon niya nang malaman niyang nanliligaw din si Jake? Nabasa lang daw ni Sam ‘yun. Sa palagay niya, hindi naman daw issue, bad thing o big deal ‘yun.

“May kanya-kanya naman silang paraan ,eh! May kanya-kanya naman kaming oras,” sagot niya.

Sa ngayon, wala pa siyang ‘magic’ na nararamdaman sa dalawa dahil wala nga raw siyang oras para sa sarili niya. Bahala raw muna si Lord kung sino ang ibigay sa kanya. Wala pa siyang nararamdaman. Diyan lang daw sila, steady lang sila.

“Masaya ako kung saan ako ngayon. Masaya ako na single ako. Masaya ako na nakatatanggap ako ng blessings katulad ng ‘Call Center Girl’. Isang malaking project din ito para sa akin kasi base sa pagtanggap ng tao sa ‘Maria Mercedes’, mukhang mainit din ang pagtanggap nila sa ‘Call Center Girl’. First time kong gumawa ng comedy,” bulalas pa niya.

Tinanong din ang ex-boyfriend niyang si JM De Guzman na balitang lalabas na sa rehab ngayong December.

“ Actually, balita ko nakalabas na siya,” tugon niya.

Dumalaw ba siya?

“No, hindi ako dumalaw,” sey niya.

Masaya ba siya ng lumabas na si JM?

“Opo. I’m really happy for him. Hindi lang ako, lahat  ng tao na naghihintay na makabalik siya sa industriyang ito. Napakagaling na actor ni JM at wala akong masasabing masama tungkol sa kanya.”

Wala raw silang communication ni JM pero noong birthday nito ay humingi ng mensahe ang closefriend  niya  at nagpadala naman daw siya ng  birthday message na sana ay gumaling siya agad at sana ay makabalik siya sa industriyang ito.

Kung sakaling makipagkita ito ngayon sa kanya , papayag ba siya?

“Depende ‘yun  kung sa tingin ng mga  taong nasa paligid niya ay handa na siya  kasi ako, honestly,  I want to see him too how he is and  iwan na lang natin sa ganoon,” aniya.

Open din si Jessy na maging kaibigan si JM dahil mabuti naman itong tao.

If ever na magkita sila ano ang una niyang sasabihin?

“Welcome back,” sagot niya.

Tsuk!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top