Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Ang komunikasyon ay dapat na maigsi lamang ngunit sweet ngayon, kaya tiyaking malinaw at diretso ang iyong sasabihin.

Taurus  (May 13-June 21) Hindi ito ang mainam na araw para sa long-range plans. Baka hindi mo lamang ito matupad.

Gemini  (June 21-July 20) Huwag mag-aapura sa iyong pagkilos. Walang dahilan para magmadali.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Magiging masyadong complicated ang mga bagay ngayon ngunit hindi ikaw ang dahilan.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Kuntento ka sa mga bagay na iyong natanggap at mga nagawa.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan mong maging lohikal ngayon, bagama’t hindi ito ang iyong nais.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Panahon na para sumulong at sumubok ng mga bagong bagay. Huwag patatali sa tradisyon.

Scorpio  (Nov. 23-29) Nabibigatan ka sa mga proyekto at pakikipagnegosasyon. Nais mo itong takasan pansamantala.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Magiging thoughtful ka ngayon sa mga mahal sa buhay. May ibibigay kang sorpresa.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Marami kang nais sabihin. Tiyaking maipapahayag ang mga ito.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Ang iyong isipan ay puno ng creative energy ngayon. Tiyaking magagamit ito.

Pisces  (March 11-April 18) Maaaring maging abala ka ngayon kaya posibleng mawalan ng panahon sa pamilya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag puro trabaho ang atupagin. Maglibang naman kasama ng mga kaibigan.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top