Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 tulak laglag sa drug bust

2 tulak laglag sa drug bust

LAGUNA – Dalawang itinutu-rong notoryus na drug pusher ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Lumban, Laguna sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Maytalang Uno sa nasabing bayan.

Kinilala ni Senior Insp. Luis Perez, hepe ng pulisya, ang na-arestong mga suspek na sina Ernesto Catapang, Jr., 41, driver, at residente ng Brgy. Sampalocan, Pagsanjan, Laguna, at Willy Flores, 46, at residente ng Brgy. Labuin, Pila ng nasabi ring lalawigan. Ayon sa ulat, dakong 8 a.m. nang nadakip ang mga suspek sa inilatag na drug bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Nasamsam mula sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at P500 marked money na ginamit sa operation.

(BOY PALATINO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top