Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 katao tumilapon, pagbagsak nasagasaan ng truck tigbak (Motorsiklo sumalpok sa Pajero)

2 katao tumilapon, pagbagsak nasagasaan ng truck tigbak (Motorsiklo sumalpok sa Pajero)

PATAY ang dalawa katao matapos mabundol ng Pajero ang kanilang sinasakyang motorsiklo at tuluyang masagasaan ng truck sa Brgy. Baluan, General Santos City.

Patay agad ang mga biktimang sina Raop Babalo, 21, at Mohammad Hamid, kapwa residente ng Fatima Maribulan, Alabel, Sarangani Province.

Tumilapon ang mga biktima mula sa sinasakyang motorsiklo at nasagasaan pa ng kasalubong na Isuzu Elf kaya agad namatay.

Nabatid na inutusang bumili ng hamburger ang mga biktima nang maganap ang aksidente.

Nasa kustodiya na ngayon ng Traffic Bureau ng General Santos City ang Pajero at Elf.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top