Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Presyo ng gasolina at diesel bumaba

Presyo ng gasolina at diesel bumaba

Alas 12:01 ng madaling araw, nagpatupad ang Shell ng P0.60 kada litrong rollback sa gasolina, P0.60 sa diesel at P0.70 sa kerosene.

Maliban sa kanilang mga estasyon sa Cebu at Bohol na P0.60 kada litro rin ang tinapyas sa gasolina, habang P0.25 lamang ang ibinawas sa diesel at P0.50 sa kerosene.

Sa parehong oras, nagbaba rin ng P0.60 kada litro ng gasolina at diesel ang Petron, bukod pa sa P0.70 rollback sa kerosene. Ipinatupad ito sa lahat ng estasyon, kasama sa Cebu at Bohol.

Alas 6:00 ng umaga, ang Phoenix Petroleum Philippines naman ang nag-rollback ng P0.60 sa kada litro ng gasolina at diesel.

Pagsapit ng ala1:00 ng hapon, epektibo naman ang bawas-presyo ng Total na P0.60 sa kada litro ng gasolina sa lahat ng estasyon. P0.60 din ang rollback sa diesel sa Luzon pero P0.25 lang sa Cebu.

Matatandaang minsang pinalampas ang oil price hike sa Bohol at Cebu matapos tamaan ng lindol.

Ang rollback ay kasunod ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang pamilihan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top