Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Ex-Marikina councilor utas sa ambush (Dahil sa jueteng war?)

Ex-Marikina councilor utas sa ambush (Dahil sa jueteng war?)

111113_FRONT
PATAY sa ambush ang dating opposition councilor ng Marikina City at sinasabing isa rin jueteng lord habang sugatan ang isa sa kanyang dalawang kasama matapos tambangan paglabas ng sabungan sa Cainta, Rizal, nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Rolando Anduyan, PNP Provincial Director, ang namatay na si Elmer Nepomuceno, 51 anyos, habang sugatan ang driver na si Elmer Lituania pero maswerteng hindi tinamaan ang kasama nilang si Jason Villon.

Sa ulat ng Cainta PNP, dakong 4:45 p.m. kamakalawa nang tambangan ang dating konsehal at kinikilala rin jueteng lord sa Sumulong Highway, Sitio Balanti, Bgy. San Isidro, Cainta.

Unang binaril sa dalawang kamay ang driver na si Lituania habang minamaneho ang Hyundai Getz may plakang ZFJ-910 saka pinaputukan nang tatlong beses at malapitan sa ulo si Nepomuceno ng isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ang mga biktima ay galing sa Texas cockpit arena nang maispatan nang pinaniniwalaang nakaabang na mga assassin.

Pangunahing tinututukan ng imbestigasyon ng pulisya ang anggulong jueteng war matapos mabatid na si Nepomuceno umano ay nagsasagawa ng guerrilla operations na nakasasagasa sa teritoryo ng iba pang jueteng lords.

Kumalas na rin umano si Nepomuceno sa kanyang dating kasosyo na siya ngayong nakatutok sa operasyon ng jueteng  sa south Metro Manila. Sa ilan pang nakalap na impormasyon, si Nepomuceno ay madalas din umanong nagkukuwento na sa kanya kinukuha ng ilang kilalang personalidad ang pang-kalahatang jueteng payola para sa media.

Sa panahon ng panunungkulan sa Marikina, si Nepomuceno ay nakilala umano bilang opposition councilor.

Kilala rin si Nepomuceno bilang Pangulo ng Gamefowl Breeders Association of Rizal (GBAR), isang organisasyon na kinabibilangan ng mga mananabong sa lalawigan ng Rizal.

Ni ED MORENO

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top