Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / British baby kinidnap Pinay arestado

British baby kinidnap Pinay arestado

NAKAPIIT ang isang Filipina sa Malaysia makaraang isangkot sa pagdukot sa 20-buwan gulang na British baby, ayon sa ulat ng Malaysian news site kahapon.

Sa isyu ng Malaysia’s New Straits Times, ang Filipina ay nagtatrabaho bilang kasambahay sa pamilya ng sanggol na si Freddie Joseph.

“The woman is believed to have been employed with the family for about a year,” ayon sa ulat. Idinagdag na inaresto ang Pinay sa hindi tinukoy na lugar dakong 11 a.m. kahapon.

Sa hiwalay na ulat ng The Malaysian Insider, inihayag na dalawang suspek ang ikinustodiya kaugnay sa insidente.

Si Baby Freddie ay dinukot sa kanyang bahay ng isang lalaki na pumasok sa compound ng pamilya sa Bangsar nitong Biyernes.

Ang kanyang ina na si Sarah Joseph, 39, ay nagtangkang lumaban sa lalaki ngunit nakatakas ang suspek tangay ang sanggol lulan ng white sedan.

Natagpuang ligtas si Freddie sa Taman Tasik Titiwangsa at agad na dinala sa Universiti Malaya Medical Centre para obserbahan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top