Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / SILG Mar Roxas inutil vs Metro South Jueteng ni Manuela

SILG Mar Roxas inutil vs Metro South Jueteng ni Manuela

00 Bulabugin JSY

MEDYO hindi maganda ang nangyayari ngayon sa karera ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Binabalewala lang siya at mukhang hindi takot ang mga jueteng operator dahil ang ‘GO SIGNAL’ umano ay galing pa umano sa PNP.

(Totoo po ba ‘yan, Chief PNP, Dir. Gen. Alan Purisima?)

Sa Southern Metro Manila umano ay mismong isang opisyal ng PNP- Southern Police District (SPD)  pa ang tumatawag sa mga HEPE  ng presinto na palargahin ang TENGWE ni BOSSING MANUELA.

‘Wag daw intindihin si SILG MAR dahil ang GO SIGNAL ay galing mismo kay PNP CHIEF?!

Alam mo na ba ‘yan PNP-SPD Director C/Supt. ERWIN VILLACORTE?

SONABAGAN!!!

Kaya pala LARGADO pa rin ang  jueteng sa Las Piñas under the management of KA MISING at KARDING LESPU. Sa Muntinlupa naman ay pinaghatian na nina alias JOSIE BORHA, BOY ARUHADO, EMILY, SAMBOY at LANDO.

Sa Parañaque naman ay nariyan si JONJON, sa Sun Valley si BOYET, sa Daughters, Baclaran si EDGAR at sa San Dionisio ay pinamamahalaan ni JOY.

Sa Pateros ay nandiyan si Kagawad PAPAY PUSA, si JOVIT, si BOB at si VERGEL.

Sa Taguig naman ay namamayagpag sina ARAGUTA, AYUNGIN at PHILIP.

Hindi raw takot sa ONE STRIKE POLICY ang mga CHIEF OF POLICE dahil si WETENG MANUELA ay protektado umano ng isang Kernel sa NCRPO RISO.

Kaya huwag nang magtaka kung kabi-kabila ang operasyon ng jueteng ni Manuela sa Metro Manila South…

At s’yempre, ang isa  sa mga VERY HAPPY d’yan ay ang kolek-TONG ng NCRPO RISO na si alyas Baby.

Bumabaha na naman ang kwarta sa PNP-SPD dahil sa JUETENG ni MANUELA.

Wala ka bang gagawing aksyon SILG Mar Roxas!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top