Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Return of the comeback ni Tanging Inang sa BI (Napoles at Ma’am Arlene ng BI, rumaragasa na naman!)

Return of the comeback ni Tanging Inang sa BI (Napoles at Ma’am Arlene ng BI, rumaragasa na naman!)

00 Bulabugin JSY

MATAPOS ang dalawang taon pamamahinga, muli na naman nasisilayan ang aura ng natatanging caregiver ni Bureau of Immigration (BI) OIC Associate Commissioner Roy P. Ledesma (RPL) na si Madame Dorotea Dalusong o mas kilala sa bansag na “Tanging Inang” sa BI Main office.

Matatandaang kasama sa mga ipina-BAN ni Ex-Commissioner Ric David Dayunyor noong kanyang kapanahunan sa Bureau si Tanging Inang dahil matagal na siyang retirado, at ngayon ay  madalas na naman mamamataan ng BI employees si Tang ‘este’  Tanging Inang sa loob ng opisina ni RPL.

Ahhh, kaya raw pala, panay na naman ang samba ‘este’ silip ng pakners in crime na sina BETTY ‘napoles’ CHUWAWA at ANNIE ‘mam arlene’ SEY, ang dalawang notorious na fixers sa kwarto ni RPL? Ito kaya ay dahil kung may palulusutin ‘este’ papipirmahan sila kay OIC AssComm. Ledesma?

‘E kung gano’n, siguradong hindi made-deny ang mga dokumento nila dahil nandiyan ang kanilang ‘ina ng saklolo’ na si ‘Tanging Inang?’

Sabagay mahirap raw talagang maghanap ng yaya sa panahong ito kaya dedma na lang at no comment si BI-OIC Fred Mison kahit alam naman ng lahat kung ano ang mga naging aktibidades ni Tanging Inang noong si Roy Ledesma pa ang nakaupo as OIC Commissioner ng BI?

OIC Fred Mison, mukhang bumabaluktot na naman ang daan sa BI?

Careful … careful …
 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top