Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Visa-free entry ng mga Pinoy sa Hong Kong kanselado na simula Disyembre 5

Visa-free entry ng mga Pinoy sa Hong Kong kanselado na simula Disyembre 5

00 Bulabugin JSY

O AYAN na … ayon sa nakalap na impormasyon ng inyong lingkod, simula Disyembre 05, 2013, kanselado na ang VISA-FREE ENTRY ng mga Pinoy sa Hong Kong dahil lang sa kaepalan ng ilang nagmamagaling sa isyung Luneta hostage taking…

Blackmail ba ‘yan?!

Aba ‘e parang nagmamalaki pa ang HONG KONG. Napakawalang ‘gratitude’ naman ng ganyang diplomatic relations.

Hindi kaya naiintindihan ng Hong Kong na tayong mga Pinoy ang isa sa mayroong pinakamalaking bilang ng mga turista sa kanilang Island?

Sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi lang sa mga daliri mabibilang mga mga turistang Pinoy na namamasyal, kumakain at namimili d’yan sa Hong Kong.

Bigla tuloy tayong nawalan ng ‘BILIB’ sa Hong Kong.

Dapat pala mag-require na rin tayo ng VISA sa mga Hong Kong national na pumapasok sa bansa?!

Anyway, hindi po natin KAWALAN ‘yan.

Mas malaking kawalan po ‘yan sa Hong Kong.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top