Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Robi, nanligaw din noon kay Jessy

Robi, nanligaw din noon kay Jessy

INAMIN ni Robi Domingo nang makausap namin siya  na niligawan niya noon si Jessy Mendiola nang nagkasama sila four years ago sa isang serye ng ABS-CBN 2, ang Boys Town.

“Hindi ko na lang itinuloy kasi siguro iba ‘yung priorities namin that time. Parang nag-usap kami na  okey mag-aral muna ako tapos siya would go into her career kasi alam ko pagkatapos ng ‘Boys Town’, nag-‘Sabel’ na siya,” simulang kuwento ni Robi.

“Eh sabi ko, kung magsa-‘Sabel’ ka, ako mag-aaral, hindi ito magwo-work, so, hintayin na lang natin kung ano ang mangyayari. Kasi ‘pag nagmahal ako, gusto ko todo-todo, walang preno. Hindi puwedeng kakapiranggot lang,” aniya pa.

Nagtapos na si Robi ng kanyang pag-aaral ng kursong Health Sciences sa Ateneo de Manila. Kaya naman nabigyan niya na ng time ang kanyang lovelife. Maligaya siya ngayon sa piling ni Gretchen Ho.

(ROMMEL PLACENTE)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top