Wednesday , September 24 2025

OFW pa sa Saudi isasalang sa bitay

BIBITAYIN na sa buwan na ito ang isang overseas Filipino worker na nasa death row sa Saudi Arabia bunsod ng pagpatay sa kanyang employer tatlong taon na ang nakararaan.

Si Carlito Lana, may tatlong anak, ay nakulong sa pagbaril at pagsagasa sa kanyang Saudi employer noong Disyembre 2010.

Gayonman, iginiit ng kanyang ina na ang insidente ay dahil sa pagtatanggol sa sarili ni Carlito.

Si Carlito ay dumating sa Saudi Arabia noong 2008 bilang utility boy sa hotel sa Riyadh.

Noong Setyembre 2010, kinuha siya ng Arab family para maging tagapangalaga ng mga tupa.

Ngunit makaraan ang tatlong buwan, nais nang umalis ni Carlito dahil sa pagmamaltrato ng kanyang employer.

“Parang hayop siya na pinagtrabaho. Mag-isa lang siya tapos may sakit pa siya. Tatakas po sana siya pupunta siya sa embassy, ang ginawa naman ng amo niya nang sinabi niyang sa embassy, binunutan siya ng baril,” pahayag ng ina ni Carlito na si Susana.

Inagaw ni Carlito ang baril at pinaputukan ang kanyang employer.

“Papatayin siya, ang ginawa niya inagaw niya ‘yung baril. Pinatatakbo siya sa disyerto kung di babarilin siya. Nataranta po siya. Syempre ‘di niya namalayan na nagulungan ‘yung amo nya,” dagdag pa ng ina.

Sinabi ni Susana na inabisohan siya ng Department of Foreign Affairs na si Carlito ay nakatakda nang bitayin sa buwan na ito. Batid na ni Carlito ang nakatakdang pagbitay sa kanya makaraang kausapin ng kanyang ina.

Pahayag ni Susana, sinabi ng DFA na ayaw ng pamilya ng biktima na magbayad ng blood money.

Nagpadala na ng sulat ang ina sa Saudi King ngunit wala pa siyang natatanggap na sagot.

Nakikiusap si Mrs. Lana kay Pangulong Benigno Aquino III na tulungan ang kanyang anak, idiniing tanging milagro na lamang ang makapag-liligtas kay Carlito.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …