Wednesday , September 24 2025

OFW limas sa kawatan

NALIMAS ang malaking halaga ng salapi at kagamitang naipundar ng overseas Filipino worker (OFW) nang pagnakawan ng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” ang kanyang bahay sa Taguig City, kamakaaawa.

Natuklasan ni Dexter Buerano, 33, ang pagkalimas ng kanyang mga gamit, salapi, alahas at mga dokumento sa kanyang bahay sa No. 4 Lontoc St., Brgy. Calzada, nang ipaalam ng kapatid.

Sa imbestigasyon nina PO3 Ricky Ramos at PO1 Victor Amado Biete ng Investigation and Detective Management Section ng Taguig police, umalis ang buong pamilya  ni Buerano patungong Infanta, Quezon, kamakalawa.

Natangay ng mga kawatan ang 37-inch flat screen TV, nagkakahalaga ng P47,000, mga alahas may kabuuang halagang P125,000, US$1,600, P90,000 cash, passport, ATM, credit cards at mga dokumento.

(JAJA GARCIA)

AKYAT-BAHAY TIMBOG SA AKTONG PAGNANAKAW

Arestado ang isang lalaki matapos maaktohang nagnanakaw ng mamahaling gamit sa bahay ng negosyante kahapon ng umaga sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig City chief of Police P/Sr. Supt. Mario Rariza ang suspek na si Roehl de Fiesta, 33, ng 33 Dos De Julio St., Brgy. Sumilang ng lungsod.

Sa ulat,  dakong 7:00  ng umaga nang maaresto ang suspek sa bahay ni Maria Linda Serat, 46, sa #26-B De Castro Ave., Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.

Ayon sa biktima, nakaramdam siya ng kaluskos sa 3rd floor ng kanilang bahay at laking gulat ng mag-asawa nang makita ang suspek bitbit ang  electric grinder na nagkakahalaga ng P4,500.

(MIKKO BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …