Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Matteo, may GF na pero ‘di taga-showbiz!

Matteo, may GF na pero ‘di taga-showbiz!

BAKIT ba pilit na inuugnay si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo? Ang pagkakaalam namin, hindi naman ito nangliligaw sa dalaga. May balitang may non-showbiz girlfriend na raw ngayon ang binata.Tahimik lang daw ito para hindi mapag-usapan ang present GF.

Tuwing tatanungin ang hunk actor tungkol sa status ng friendship nila ng Pop Princess umiiwas itong sumagot. Tuloy, magdududa ka kung type nga ba niyang ligawan ang dalaga? Kung type ni Matteosi Sarah, magiging vocal ito ‘di ba?

Mismong si Mommy Divine, iginigiit na friends lang talaga sina Sarah at Matteo.Walang malisya raw ang friendship na mayroon ang dalawa.

Mas enjoy nga si Matteo kapag ang sentro ng usapan ay si Andi Eigenmann n atotoong best friend ng binate dahil may dyowa ito. Maraming alam ang dalagang ina tungkol sa personal na buhay ng hunk actor. Ikinukuwento nga niMatteo, open sila sa isa’t isa ni Andi lalo na pagdating sa kani-kanilang lovelife. ‘Yung pakikipag-relasyon ni Matteo kay Maja Salvador na nauwi sa hiwalayan, alam din ‘yun ni Andi pati na rin ang naging break-up ng dalawa. Pati nga rin ‘yung kay Jessy Mendiola na hindi nagtagal, naikuwento rin nito sa anak ni Jacklyn Jose.

Kaya apektado at nagseselos sa aktres…

KYLIE, FEEL NA NAGTE-TAKE ADVANTAGE SI KRIS KAY ALJUR

HINDI maitago ni Kylie Padilla na may selos factor siya sa tambalang Aljur Abenica at Kris Bernal kahit palaging idini-deny niya ito. May tsika na sa tuwing pinanonood daw ni Kylie ang romantic-comedy serye ng dalawa, kinukurot daw ang puso ng dalaga ni Robin Padilla.

Nang minsan naming na-interview ang dalaga, nagpakatotoo ito nang aminin niya na selosa siya pagdating sa lalaking mahal niya. Ayaw nitong may ibang babaeng yayakap at hahalik sa boyfriend. Kahit on screen lang ‘yung kilig moments nina Aljur at Kris apektado si Kylie. Feeling daw niya nagte-take-advantage si Kris tuwing may romantic scene sila ni Aljur sa serye.

Bakit kasi pinanonood pa ni Kylie ang show nina Aljur at Kris kung kinukurot ang puso niya? Walang dapat ika-insecure si Kylie kay Kris, trabaholang ‘yun.

Alam natin na boyfriend ni Kris si Carl Guevarra kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin ang dalawa.

Sa totoolang, natutuwa kami sa pag-arte ni Kris tuwing ka-eksena si Aljur. Akala mo’y tunay at wagas ang pagmamahal sa actor. Bigay na bigay ang dalaga sa mga sweet moment nila dahil  ‘yun ang hinhingi sa eksena. Maging ang actor/singer naman ay relax kay Kris. Maganda ang chemistry nila together.

BEA AT ZANJOE, MADALANG MANG MAGKITA, MATATAG PA RIN ANG RELASYON

HANGGANG ngayon, matatag pa rin ang relasyon nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo kahit pareho silang showbiz personalities. Kung minsan nga raw, hindi na sila nagkikita dahil sa hectic schedule.

Sabi ni Bea, ”Hindi kailangang palagi kayong nagkikita o nagkakausap. Ang importante, naroon ‘yung trust sa isa’t isa. Pareho pa kaming hindi mahilig mag- call & text. Kung importante ‘yun nagtatawagan kami. Limited lang ‘yung time naming dalawa dahil sa trabaho. May teleseryeng ginagawa si Zanjoe tapos, may movie siyang gagawin with Direk Wenn Deramas under Star Cinema.

“Ako naman, magiging busy sa susunod kong project. Kung maluwag naman ang schedule, we go out have dinner together, ‘yun. Nakaka-excite kapag nagkita na kayo, marami kaming mapagkukuwentuhan dahil matagal kayong hindi nagkita.”

Lovely as ever ang beauty ni Bea because of Zanjoe. Pati outlook nito sa buhay ay napaka-positive. Masasabi nating almost perfect na ang relasyon nila. Kulang na lang daw ay ikasal ang dalawa.

Ayon sa actress, hindi nila minamadali ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang relationship. Oo nga’t kung minsan daw ay napag-uusapan nila ang kasal pero hindi ibig sabihin niyon ay lalagay na sila sa tahimik. Marami pa raw silang mga pangarap at gusting gawin para sa kanilang sarili at kani-kanilang pamilya.

Kung si Bea ang tatanungin,wish niya na si Zanjoe na nga si Mr. Right. Perohindi niya alam kung ano ang puwedeng mangyari in the near future. Nagbabago raw ang panahon, mahirap umasa at masaktan.

Patuloy ang magandang takbo ng kanyang career. Katunayan, box-office success ang She’s The One with Dingdong Dantes under Star Cinema. Pati lovelife, wala kaming masabi. Nakikita sa kanyang personality kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng mga minamahal niya sa buhay.

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top