Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Grace Poe ayaw na sa pork barrel

Grace Poe ayaw na sa pork barrel

SUMULAT na si Senadora Grace Poe kay Senador Chiz Escudero na humihiling na tanggalin ang nakalaang pork barrel sa kanyang tanggapan para sa 2014.

Ayon kay Poe, hiniling niya kay Finance Committee Chairman Chiz Escudero na tanggalin ang kabuuang P200 million Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nakalaan sa kanyang tanggapan para sa taon 2014.

Matatandaang si Poe ay kabilang sa mga senador na nagtanong kay Janet Lim Napoles hinggil sa kontrobersyal na pork barrel scam na kinasasangkutan nina Senador Jinggoy Estrada, Minority Leader Juan Ponce Enrile at Bong Revilla.

Pinipilit ni Poe na mapagsalita at mapaamin si Napoles ngunit nabigo siya.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top