Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, papalit-palit ng lalaki?

Aktres, papalit-palit ng lalaki?

TINITIRYA mismo ng kaanak ang isang aktres sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang lalaki, pero ang nakatatawa, mayroon din pa lang kuwentong katsipan ang sisteraka nito based on her past lovelife.

Tsika ng aming source: ”Kung siraan naman ng pamilya ang isang aktres, eh, ganoon na lang. Bakit? ‘Yun naman ding isang anak nilang aktres, eh, palipat-lipat at papalit-palit din ng dyowa, ‘no! Puwede ba, huwag magmalinis ang aktres na ‘to!”

Para kaming isinakay sa time machine ng aming source, ”Dyowa rati ng aktres na ito ang anak ng mag-asawang artista. Dahil close ako sa kanya, ikinukuwento niya sa akin ang size ng nota ng dyowa niya…masyoba raw pero hindi gaanong kahabaan.”

Ang sumunod daw na karelasyon ng aktres ay isang bedimpled moreno actor na siyempre pa’y naka-chorva ng aktres. ”’Day, sa description naman ng hitad, mahaba lang daw ang notes ng dyowa niya.”

Balik-challenge tuloy ng aming source sa mismong kaanak na naninira mismo sa kanyang kadugo na kapatid ng malanturay din palang aktres, ”Sukat pa ba tayong umabot sa literal na sukat (ng nota)?! As if naman, sakdal-linis ang mga kadugo mo, eh, iisa lang naman ang hulmahan nila!”

(Ronnie Carrasco III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top