Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald Anderson wagas ang pagmamahal kay Maja Salvador

Gerald Anderson wagas ang pagmamahal kay Maja Salvador

SIGURADONG pinagtatawanan lang nina Maja Salvador at Gerald Anderson ang isyung kumakalat ngayon sa social media na shaky na ang kanilang relasyon. Para patunayang sila pa rin at going strong ang relasyon kahit na hindi personal na nakadalo si Gerald sa red carpet premiere ng latest movie ni Maja sa Regal Films, nagpadala ng mga pulumpon ng bulaklak ang young actor na labis syempreng ikinatuwa ni Maja.

Siguro kaya iniisip ng iba na nagkakatabangan na ang dalawa ay dahil pareho silang busy sa kanilang career. Pero si Gerald na mismo ang nagsabi na hindi lang ang career niya ang priority niya ngayon kundi ang kanyang family at kasama na si Maja roon.

By the way, next week ay huling linggo na ng teleserye ni Gerald na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.” Huwag kayong bibitiw sa panonood para masaksihan kung papano magwawakas ang kasamaan ni Senator Victoria Antonio (Dina Bonnevie), anak na si Marcus (Rayver Cruz) at amang dating senador na si Melchor Antonio (Lito Legaspi) kasabwat ang dating pulis at congressman na si Raul Gimeno portrayed by Rommel Padilla.

Yes, malapit nang makamit ng mag-inang Miguel (Gerald) at Zenaida (Dawn Zalueta) at raped victim na si Carla (Diana Zubiri) ang inaasam na hustisya. Mapapanood ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng Maria Mercedes.

Watch mo gyud!

NYOBG RETURNS TO PAGCOR STAGE WITH A BANG

The NYOBG (Not Your Ordinary Boys and Girls) returns onstage at Pagcor Casino theaters with their Not Your Ordinary Variety Show. NYOBG is Backroom’s newest league of artists composed of Ian Batherson, Carlo Sawit, PJ Go, Avery Paraiso, Maui Lumba, Kaye Chua, Benj Bolivar, and Bon Jovi Osorio who all exude impressive stage presence. This is the group’s third month to hold shows at Pagcor. NYOBG’s past shows brought the entire house down as the group rocked the stage from start to finish. Once again, a great night of entertainment awaits the audience as NYOBG hit the fashion runway sporting trendy Jag outfits and performing an energetic dance number. The audience can also participate in some games with exciting prizes. For the month of November, the theme of the shows is Halloween. The Not Your Ordinary Variety show is presented by Casino Filipino and Jag. Schedule is as follows: November 8 (Airport Casino Filipino); November 9 (Casino Filipino Pavilion); November 16 (Casino Filipino Tagaytay); November 23 (Casino Filipino Angeles); and November 28 (Casino Filipino Hyatt). Joining them onstage are Casino Filipino 2012 winners, Pagcor artist Hadasa and [email protected] Season 1 champion Joyce. The NYOBG members are determined to make it big in showbiz. They took up various workshops under Direk Laurice Guillen, Mr. Pen Medina, Ms. Annie Quintos of The Company, G-Force and Mr. Boy Abunda to prepare themselves for the big break. For inquiries, call Backroom at 435- 1108 and 4351120 or email at [email protected]

“TRIP NA TRIP” KASALO N’YO TUWING TANGHALI SA NO. 1 NOONTIME SHOW NA EAT BULAGA

Bukod sa kinaaaliwan at pag-asa ng mga residente tungo sa pagbabago ng buhay na “Juan For All, All For- Juan,” “Pamilyang Pinoy Henyo,” “Junior Pinoy Henyo,” “Text Promo ni Aleng Maliit,” at “Ang Joke Ko!” May dalawang bagong Pakontes ngayon ang Eat Bulaga na “That’s My Tambay” at “Trip Na Trip” na hit na hit na rin sa lahat ng viewers ng Eat Bulaga. Kaya kung ang hanap ninyo ay bagong Pakulo na ngayon lang mapanonood sa telebisyon aba’y hayaan ninyong aliwin kayo ng daily contestant sa “That’s My Tambay” na may kwento sa iba’t ibang pinagdaraanang pagsubok sa buhay hanggang sa minimithi nilang pangarap na ipagkakaloob sa kanila ng Bulaga.

Sa Trip na Trip naman na kasalo na rin n’yo tuwing tanghalian apat na kalahok mula sa yellow, green, blue at red team from studio audience ang maglalaro kasama ang tatlong modelong hunks na sina Pedro, Edwardo at Donovan. Sa pamamagitan ng Roleta,  kung ano ang ipagagawa sa inyo at tiyak na ‘di lang kayo mag-e-enjoy kundi kikiligin pa sa mga Papang makakasama at higit sa lahat pwede pa kayong manalo ng P10K. Wala rin uuwing luhaan dahil lahat may premyong maiuuwi tulad ng groceries, EB Jacket mula sa Bulaga at Talk ‘N Text Pasko Panalo.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top